One night, pagkatapos ng mahigit isang taon, sinubukan ko ulit ang isang bagay na matagal kong hindi nagawa—copywriting by hand.
Habang sinusulat ko ang mga salita sa papel, narinig kong bumibirit ang kapitbahay namin sa bidyoke. Hindi ko alam kung may okasyon o trip lang talaga niya kumanta ng sintunado sa dis-oras ng gabi.
Pwede mo naman sabihin, “Kanya-kanyang trip lang ‘yan.” At oo, siguro nga.
Pero kaninang hapon, habang nasa biyahe ako, dumaan ang bus na sinasakyan ko sa harap ng Philippine Trade Training Center. Napatingin ako sa malaking tarpaulin sa gate nila—nandun ang listahan ng mga seminar nila para sa Pebrero at Marso 2020.
Isa sa mga nakita ko: Basic MS Excel 2016. P3,000 lang, may whole-day seminar ka kung paano gamitin ang Excel.
Napaisip ako.
Naalala ko kung paano ako natuto na huwag tumigil sa pag-aaral—dahil unti-unti kong natagpuan ang purpose ko. Hindi ko na ma-imagine ang sarili kong magre-retire sa isang kumpanya pagkatapos ng tatlo o kahit apat na dekada. (Sorry, parentals.)
Baka ang kapitbahay kong nagbi-bidyoke kagabi, hindi pa niya natatagpuan ang purpose niya.
O baka naman, tapos na siyang mag-copywriting by hand, kaya kumanta na lang siya.
Kung anuman ang dahilan niya, isang bagay ang sigurado ako—kapag natagpuan mo ang bagay na nagpaapoy sa ‘yo, hindi mo gugustuhing tumigil matuto.
Ikaw, kailan mo huling ginawa ang isang bagay na nagpapalapit sa’yo sa purpose mo?
0 Comments